Una sa lahat, nais ko sanang batiin ang aking kaibigang si Kathleen Anne Danganan para sa kanyang natatanging kasulatan ukol sa pagsasalarawan ng buhay niya sa kolehiyo.Halos parehas kami ng nadarama.
Ngayong araw na ito, mag-aalas singko ng hapon ay tila bang wala akong maalala sa mga nangyari sa aking paaralan.Mainit at kahit pa sumakay ako ng FX para makauwi, ang pawis sa aking katawan ay patuloy na dumadaloy sa aking balat. Hindi lang ang sikat ng araw ang may gawa nito kundi pati na rin ang puting unipormeng daig pa ng mga sa madre ang haba. Wala naman akong magawa upang mapigilan ang init. Kung sa bagay, kagat lang ng langgam yan kung ikukumpara sa lamig sa loob ng Chem.Lab namin. Oo, malamig. Nakaka-drain ng utak ang tatlong oras na pamamalagi sa loob ng kwartong iyon. Nakinig ka na nga't lahat-lahat, wala ka pa ring naintindihan sa pinag-aaralan. Minsan, inakala ko na madali lang ang kursong may Chemistry kasi na-enjoy ko ito nung hayskul. Mali at isang napakalaking pagkakamali ang naisip ko. Akalain mong dadalawa lang kami ni "covalent" ang nakakuha ng 2 over 15 sa post test tungkol sa naming ang writing organic compounds sa 49 na nag-exam. Ngunit, kakaiba ang islang napuntahan ko sapagkat ayon nga sa sinabi kanina ng Math teacher namin, may mga nangongopya raw sa klase namin during the quiz about sa Algebraic Expressions. Ay sus! Nakapikit pa yata ako habang sinasagutan ko un.(yabang..hehe)Pero nakalulungkot isipin na sadyang may mga taong tamad.Mga taong walang sariling sikap ika nga nila.
Alam kong napakarami pang mga bagay ang hindi ko pa natutuklasan sa islang pinamumugaran ko. Masaya pa rin naman at alam kong hindi ako naliligaw sapagkat may mga kaibigang dumating at nais makasama ako sa katagalan ng panahon. Naniniwala ako na malalampasan namin ang mga pagsubok hangga't may ngiti pa kaming maipapakita sa lahat.
At naalala ko na pala. Kumain ako ng curry chicken kaninang lunch kasama mga friends ko. Lasang gulaman yung bottomless ice tea namin ni Ace. Eh, sa halagang kinse pesos magrereklamo ka pa ba?! Hai, alam niyo bang simula pa nung unang araw sa paaralan hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nakikitang masarap kainan at pagtambayan?! Kung dati, sa SM Pampanga lang ako nakakapag-Hotshots,Siomai at Burger sa Dapitan ay halos mapurga na ko sa maNok ng KFC, sa chao fan ng Chowking at sa mga tinda ng Wendys'! Kaya sinusubukan na namin ngayon ang pangangalap sa mga lutong bahay. Gaya nung kanina, pero sablay pa rin kasi In Can yung Sisig na inorder nina Ace. Ngek! Sana lang busugin kami ng Panginoon sa pagmamahal este sa masarap na pagkain...
Mangarag-ngarag naman yung mga tanong ng Psych at Philo teachers namin. Isang nangangailangan pa ng mahabang explanation sa tanong na "Who Are You?" at isang Demi-God daw ayon sa kanya. Pero enjoy! Sa katunayan, sa kanila ko natutunan kung sino nga ba talaga ako. Ang sagot lang naman ay, " I am a becoming." Simply, because I can still have my potentiality to be who I can be. Hohaah...Sa Theo class naman, aba, akalain mong nakilala ko si Thomas Aquinas?.. Ang taba pala niya. hehehe..
So far, yun muna ikukuwento ko. Abangan niyo sa susunod baka may lovelife na uli ako.. yippee!